Pederal na EITC
Ang Earned Income Tax Credit (EITC, Kredito ng Buwis sa Pinagtrabahuhang Kita) ay isang pederal na kredito ng buwis para sa mga taong nagtatrabaho na kumita ng mababa-sa-katamtamang kita. Hindi tulad ng CalEITC, ang mga taong may mga Social Security number lamang ang kwalipikado. Kung kwalipikado ka, maaari mong makita ang nabawasang singil sa buwis o mas malaking refund. Mas maraming pera ito sa iyong bulsa para mabayaran ang mga bagay na kailangan mo.
Maaari mong i-claim ang kredito kung ikaw ay walang asawa o kasal, o may mga anak o wala. Ang pangunahing iniaatas ay kailangan mong kumita mula sa isang trabaho.
Kwalipikado ka para sa pederal na EITC kung:
- Ikaw (o ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) ay hindi bababa sa edad na 19 taong gulang o mahigit pa
- Ikaw (o ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) at sinumang kwalipikadong bata ay may Social Security number; AT
- Ikaw (at ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) ay may pangunahing tirahan sa Estados Unidos ng mahigit kalahati ng taon ng buwis; AT
- Ikaw (at ang iyong asawa kung magpa-file ng joint return) ay hindi maaaring i-claim bilang isang dependent o kwalipikadong anak sa tax retun ng ibang tao; AT
- Ikaw ay hindi kasal na hiwalay na magpa-file; AT
- Ang iyong investment income para sa taon ng buwis ay $11,600 o mas mababa pa; AT
- Kumikita ka ng hindi bababa sa $1 na kita at hindi hihigit sa:
mga bata |
2024 maximum na kita - walang asawa |
2024 maximum na kita - kasal |
EITC hanggang sa |
0 |
$18,591 |
$25,511 |
$632 |
1 |
$49,084 |
$56,004 |
$4,213 |
2 |
$55,768 |
$62,688 |
$6,960 |
3 o higit pa |
$59,899 |
$66,819 |
$7,830 |